Mahal, ayos lang ba,
kung tawagin kitang mahal?
Pansamantala lang naman
hanggang makalimutan ko na
kung paano bigkasin
yaring mga pagsambit
sa tuwina.
Mahal, natatakot ako,
alam mo ba kung bakit?
O paano ako nagsusumamo
ang dami ng luha at mga hikbi
na nilunok at pinatahimik
sapagkat pinakaaantay kita
Halika na... Halik ka na.
Nice, ate Dena. :)
ReplyDeleteHi! Thank you :)
ReplyDelete